Kahit madaling-araw na, mga bumibisita sa Holy Cross Memorial Park, nasa 5,000 pa

 

Tinatayang nasa limang libong katao pa ang nasa loob ng Holy Cross Memorial Park madaling araw ng November 2.

Ayon sa mga otoridad, hindi halata na marami pang tao sa loob ng sementeryo dahil sa loob ng mga sasakyan at mosoleo nagpapalipas ng oras ang mga dumadalaw.

Ayon sa mga pulis na nagbabantay sa naturang sementeryo, abot sa dalawampung libong katao ang pumasok at bumisita bandang hapon.

Ngunit nang magsimula ang pagbagsak ng ulan ay nagsimula na ring magsi-alisan ang mga tao.

Kagaya kahapon, mismong araw ng Undas ay puro stainless na tinidor, baraha, at mga alak ang nakumpiska ng mga otoridad.

Mayroon ding nakuhang mga cutter at Swiss army knife.

Paglilinaw ng mga pulis, ibinabalik naman nila ang mga kinumpiskang gamit sa mga bisita ng sementery kapag sila ay paalis na. Ngunit ang mga alak ay mananatiling nasa kustodiya ng mga pulis.

Read more...