Ito ay dalawang taon matapos ang pagpatay ng mga militante sa 130 katao sa sunud-sunod na pag-atake sa iba’t ibang bahagi ng Paris.
Gayunpaman, isang panibagong batas na umani ng batikos sapagkat lumalabag ito sa karapatang sibil ng mga mamamayan.
Ang panibagong anti-terrorism law na sinimulan nang ipatupad nitong Miyerkules, November 1 ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga pulis na magsagawa ng search operations sa mga ari-arian; magsagawa ng “eavesdropping” o pasikretong pakikinig sa mga pag-uusap; at kontrolin ang mga mosque at iba pang lugar na pinaniniwalaang nagpapangaral ng pagkamuhi sa iba.
Iginiit naman ni French Prime Minister Edouard Philippe na hindi nangangahulugan nang pagbaba ng bilang ng mga kaguluhan ang pag-aalis ng State of Emergency.
Anya, kabaligtaran ito matapos ang panibagong pag-atake sa New York na ikinasawi ng walong katao.
Ani Philippe, mataas ang banta sa seguridad sa kahit anong bansa sa buong mundo.
Nababahala naman ang human rights groups na ang panibagong batas na ito ay maging paglabag sa karapatan ng mga tao partikular ng mga Muslim.
Gayunpaman ang pagkabahala ng rights groups ay hindi kinakagat ng publiko matapos lumabas sa isang suvey na 80 porsyento ng mga mamamayan ang sumusuporta sa naturang batas.
Iginiit din ng pamahalaan na ang idineklarang state of emergency ay nakatulong sa mga intelligence units na masupil ang mahigit 30 pag-atake.
Naniniwala naman si President Emmenuel Macron na ang Islamic terrorism ang nananatiling pinakamalaking banta sa seguridad ng France.