Ayon sa ulat ng Quezon police, narekober ng mga otoridad ang 49 piraso ng “malaruhat” at “malabayabas” na kahoy, na may estimated volume na 720 board feet.
Lulan ang mga ito ng isang L300 na Mitsubishi van na inabandona ng mga illegal loggers sa may kahabaan ng Agos river sa Barangay Catambungan sa Infanta.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng DENR office sa Real ang nasabing sasakyan pati na ang mga kahoy.
Ayon sa grupong Save Sierra Madre Network Alliance, bumalik na ang illegal logging sa Sierra Madre.
Anila, ginagawa ito sa pamamagitan ng paghagis sa mga kahoy na ito sa Agos river, na haharangin o sasaluhin naman ng mga tauhan ng mga sindikato ng illegal loggers sa babang bahagi ng ilog.