Tinawid na ng bagyong ‘Ramil’ ang Calamian group of islands at binabaybay na ang West Philippines Sea.
Sa pinakahuling update ng PAGASA, inalis na ang Tropical Cyclone Warning Signal sa Southern Occidental Mindoro.
Tanging ang Northern Palawan at ang Calamian Group of Islands ang nananatiling nasa ilalim ng Signal Number 1 sa kasalukuyan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na nasa 55 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 65 kph.
Tinatahak nito ang direksyong pa-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Sa kabila nito, makakaranas pa rin ng moderate to occasionally heavy rains ang Mindoro, Palawan, Batangas, Northern Quezon kasama na ang Polillo Island at Aurora.
Light to moderate na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong ‘Ramil’ mamayang gabi o Biyernes ng madaling-araw.