Undas 2017: ‘Generally Peaceful’

 

Inihayag ni Philippine National Police Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos na “generally peaceful” ang paggunita ng Undas ngayong taon.

Sinabi ng opisyal na walang nangyaring untoward incidents sa mga sementeryo.

Gayunman, patuloy pa rin aniya ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa bisinidad ng mga sementeryo hanggang bukas, November 2, bunsod ng mga inaasahan pang bibisita sa mga puntod.

Sa kabuuan, umabot aniya sa 1,487 ang mga nakumpiskang ipinagbabawal na dalhing gamit sa loob ng libingan kabilang na ang 843 matatalim na bagay, 109 alak, 531 inflammable materials at apat na baraha.

Nakapagtalaga naman aniya ng 5,787 na assistance desks sa buong bansa kung saan aabot sa 29,113 ang ipinakalat na pulisya at 15,276 naman na road safety marshals para sa kaligtasan ng publiko.

Read more...