Ganito inilarawan ni Government Peace Panel Chair Silvestre Bello III ang posibilidad na panunumbalik ng usapang pangkapayapaan kasama ang mga komunistang grupo.
Ayon kay Bello, naghihintay pa sila ng final instruction kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa peace negotiation.
Dagdag pa nito, tiyak siyang hindi inaabandona ng punong ehekutibo ang pagpapatuloy nito para sa kapayapaan ng bansa.
Matatandaang nagpahiwatig ang pangulo na handa siyang ibalik ang negosasyon matapos palayain ng mga rebelde ang isang pulis na dinakip sa Davao Oriental noong Hunyo.
Ngunit hangga’t hindi aniya itinitigil ng mga komunista ang pag-atake, mananatiling suspendido ang peace talks.
MOST READ
LATEST STORIES