Mga kampo ng militar target ring lusubin ng Abu Sayyaf at Maute group

Photo: Erwin Aguilon

Isang Indonesian National na miyembro ng Maute terror group ang naaresto ng pulisya sa Barangay Luksadatu, Marawi City.

Nakilala ang naarestong dayuhan na si Muhammad Ilham Syaputra, 22 anyos na taga North Sumatra, Indonesia

Ayon kay Lanao del Sur PNP Provincial Director Sr/Supt. John Guyguyon, dumating ito ng bansa noon pang November 16.

Sa interogasyon ng pulisya sinabi nito na marami pa silang plano sa Pilipinas kabilang ang pambomba sa mga military camps.

Inamin din nito na marami na siyang kinasangkutang mga krimen tulad ng engkwentro sa Piagapo at Tanrin bombing sa Indonesia.

Aminado rin ang suspek na mayroon pang mga miyembro ng Maute na natitira sa main battle area pero hindi na ito marami.

Payat na payat nang makuha ang hinihinalang terorista at mahaba ang buhok nito.

Nakarekober ang pulisya sa suspek ng isang Cal. 45 pistol, mga bala, cellphone, granada, mga alahas at iba’t-ibang uri ng pera.

Dadalhin naman sa Metro Manila ang naarestong dayuhan upang isailalim sa inquest proceedings.

Samantala, nakakuha naman ng animo ay uniporme ng sundalo at isang duguang T-shirt at mga bala ang pamilya ni Abet Omar sa loob ng kanilang  compound sa Barangay Luksadatu .

Read more...