Binuweltahan ni Sen. Antonio Trillanes si Presidential Spokesman Harry Roque.
May kaugnayan ito sa naging pahayag ni Roque na babatuhin niya ng hollow blocks ang mga mambabato ng intriga sa pangulo.
Sinabi ni Trillanes na mula nang mapasama sa gabinete si Roque ay para na rin itong sinapian ng masamang espiritu tulad ni Duterte.
Nauna nang sinabi ni Roque na ang kanyang pahayag ay para sa mga followers ni Presidential Communications Asec. Mocha Uson.
Bilang isang abogado at litigator, sinabi ni Roque na alam niya ang kanyang mga sinasabi at huwag maging sensitive dito ang mga kritiko ng pangulo.
Bukod sa tagapagsalita, tungkulin rin umano niyang bantayan ang pangulo kaugnay sa mga banat ng kanyang mga kritiko tulad ni Trillanes.
Si Roque ay personal na pinili ng pangulo bilang bagong presidential spokesman kapalit ni dating Usec. Ernes Abella.