Indonesian na hinihinalang miyembro ng Maute group, arestado sa Marawi City

Kuha ni Erwin Aguilon

Isang hinihinalang miyembro ng Maute terror group na Indonesian national ang naaresto sa Barangay Luksadatu, Marawi City.

Nabatid na lumabas mula sa pinagtataguan ang hindi pa pinangalanang dayuhan.

Payat na payat ng makuha ang hinihinalang terorista at mahaba ang buhok nito.

Sinasabing lumangoy ito sa Lake Lanao bago pumasok sa mga bahay.

Agad naman itong dinala sa Lanao del Sur Police Provincial Office sa Camp Amai Pakpak para isailalaim sa interogasyon.

Samantala, nakakuha naman ng animo ay uniporme ng sundalo at isang duguang t-shirt ang pamilya ni Abet Omar sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Luksadatu.

Bukod dito may nakuha rin sila na mga basyo ng bala.

Read more...