Mas nakararaming Pinoy ang naniniwala na kaya pang magbagong buhay ng mga drug suspect batay sa resulta ng panibagong Social Weather Station survey.
Lumabas sa third quarter survey ng SWS na higit pa sa kalahati o 51 percent ng mga Filipino ay hindi pabor sa pahayag na ang mga taong sangkot sa iligal na droga ay wala nang kakayahan na magbago.
Habang 28 percent naman ang pabor at 20 percent naman ang undecided.
Isinagawa ang survey noong September 23 hanggang 27 sa 1,500 na adult respondent sa buong bansa sa pamamagitan ng face to face interview.
Samantala, tatlo sa limang Pinoy naman ang hindi sang-ayon sa pagbibigay ng cash rewards sa mga pulis sa kada drug suspect na napapatay nila.
Sa buong bansa, 65 percent ang hindi pabor sa pahayag na tama lang bigyan ng reward ang mga pulis na may mapapatay na drug suspect habang 15 percent ang pabor at 20 percent ang undecided.