Bagyong Ramil, napanatili ang lakas; Signal no. 1, itinaas sa limang lalawigan

PAGASA PHOTO

Napanatili ng bagyong Ramil ang lakas nito habang bumabagtas patungo sa Calamian Group of Island sa Palawan.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa 100 kilometers east ng Coron, Palawan.

Taglay nito ang hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 60 kph.

Gumagalaw ang bagyong Ramil sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Dahil dito, limang lugar na ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal # 1 kabilang na ang Northern Palawan kasama ang Calamian Group of Islands, Southern Occidental Mindoro, Southern Oriental Mindoro, Aklan at Antique.

Inaasahang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ramil sa Biyernes ng umaga.

Read more...