CBCP, nanawagan na ayusin na ang mass transportation sa Kamaynilaan

edsa trafficAng pagsasaayos ng mass transportation sa EDSA at sa Kamaynilaan ang isa sa mga susi upang lumuwag ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Ito ang naging pahayag ni Auxilliary Bishop Broderick Pabillo ng Catholic Bishops Conference of the Philppines, kung saan iginiit nya na dapat unahin ng gobyerno ang pagsasaayos ng mass transportation system sa Metro Manila.

Ito ay upang mahikayat din ang mga may sariling sasakyan na sumakay sa pampublikong transportasyon.

Aniya, kailangang ayusing mabuti MRT at LRT nang sa gayon ay mapilitang sumakay sa pampublikong sasakyan ang mga pasahero, imbes na sa kani kanilang mga sasakyan na nakapagpadagdag sa trapiko.

Kasabay naman nito, hindi naman pabor si Pabillo na pagbawalan ang pribadong sasakyan na dumaan sa kahabaan ng EDSA kung hindi apat o higit pa ang sakay nito.

Ayon kay Pabillo, kailangang maghanap ng alternatibong pamamaraan ng transportasyo kung hihigpitan naman ang mga tao na huwag gumamit ng sariling sasakyan.

Nanawagan na noon si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kay Pangulong Aquino na iregulate ang pagbebenta ng mga sasakyan, ayusin ang mass transportation, at disiplinahin sa trapiko ang mga motorista.

Matatandaang panglima ang Pilipinas na may pinakamalalang problema sa trapiko sa buong mundo, ayon sa datos ng Number Traffic Index.

Read more...