VP Binay, nanguna sa bagong survey

Nanguna si Vice President Jejomar Binay sa isang isinagawang survey, hinggil sa pagkapangulo sa 2016.

Ayon sa isinagawang Radio Mindanao Network 2016 Election survey, nanatiling number one si Binay na nais maging susunod na Presidente ng bansa sa susunod na taon.

Isinagawa ang survey mula Agosto 11 hanggang 18.

Sa pahayag ni Office of the Vice President Media Affairs Joey Salgado, nakuha ni VP Binay ang 26.16 porysento, na sinundan naman ni Sen. Grace Poe na nakakuha ng 24.84 porsyento, at pumangatlo naman si Roxas na may 18.14 porsyento.

Ani Salgado, matindi ang kinakaharap ngayon ng pangalawang pangulo mula sa kaliwa’t kanan na mga isyu, kaya lubos siyang nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya.

Sinabi naman ni VP Binay na panahon na para sa tunay na pagbabago, at ang tunay na kalaban ay ang ang gutom, kahirapan at kawalan ng trabaho sa ilalim ng isang administrasyong pabor lamang sa iilan.

Sa kabuuang ulat, nanguna sa nasabing survey si Poe sa NCR at South Luzon, habang si Roxas naman ay nanguna sa Visayas.

Habang matindi naman ang laban nina Binay at Poe sa Central Luzon, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Mindanao.

Kinapanayam ng Research Department ang mga kasali sa survey mula sa 17 lungsod at munisipalidad sa Metro Manila, ang mga lalawigan ng CALABARZON, anim na probinsya sa Central Luzon, 13 lugar sa North at South Luzon, 20 sa Visayas, at 13 lugar pa sa Mindanao.

Read more...