Libreng HIV test sa Manila North Cemetery isinabay sa Undas

Inquirer file photo

Sinamantala ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang paggunita ng Undas sa Manila North Cemetery na palaganapin ang pag-iwas sa Human Immunodefiency Virus.

Sa entrada lamang ng sementeryo ay mayroong nakatayo na tent ang Manila City Health Office kung saan isinasagawa ang libreng testing.

Ayon kay Angela Dogillo, HIV Counselor ng Manila Health Center, noong nakaraang taon lamang sinimulan ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng HIV testing sa Manila North Cemetery.

Dalawang daan katao ang nagpasuri noong nakaraang taon kung saan apat ang nagpositibo

 May paalala ang Manila Health Office sa publiko na maging responsable sa pakikipagtalik.

Read more...