Naiturn-over ng Joint Task Force Ranao sa Marawi City Police Station ang mga nabawing na pera at iba pang mga gamit sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod.
Iprinisinta muna sa media ni Col. Romeo Brawner Jr, deputy Commander ng Joint Task Force Ranao bago ito ibinigay sa pangangalaga ng pambansang pulisya.
Sinabi ni Brawner na aabot sa P300,000 cash na narecover sa mga miyembro ng Maute.
Posible ayon kay Brawner na ang nasabing pera ay ibinayad ng Maute sa kanilang mga recruits.
Bukod dito, may mga narecover din na iba’t-ibang alahas at mga appliances sa bahagi ng main battle area.
Ang isa anyang kahon ng mga alahas ay itinurn over sa kanila ng Scout Rangers na nakumpiska naman sa Maute fighters.
Paliwanag ng opisyal na mayroon silang intructions sa kanilang mga operating troops na kapag may mababawing mga kagamitan ay ipunin sa isang lugar sa main battle area bago i-turn over sa kanila.