Aminado ang kampo ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na kinapos sila ng panahon kaya hindi sila nakapaghain ng petition for certiorari na naging dahilan para hindi sila makakuha ng temporary restraining order (TRO).
May kaugnayan ito sa naging desisyon ng Ombudsman na sibakin sa serbisyo si Mabilog dahil sa kabiguan niyang ideklara sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth ang ilan sa kanyang mga kinita at ng kanyang misis na may negosyo sa Canada.
Ikinatwiran ni Atty. Jonar Pueblo, abogado ni Mabilog na hindi nila naihain ang petisyon dahil inabutan sila ng holiday.
Pero sa Novermber 2 ay muli umano nilang ihahain sa Court of Appeals ang kanilang petisyon sa naging desisyon ng Ombudsman.
Tiwala si Pueblo na makakakuha sila ng TRO na siyang magbabasura sa isinilbing dismissal order ng Department of Interior and Local Government (DILG).