Hirit na makapag-piyansa ng mga suspek sa Enzo Pastor slay case, ibinasura ng korte

Ferdinand “Enzo” Pastor. (CONTRIBUTED PHOTO)

Hindi pumayag ang hukuman na makapagpiyansa ang dalawang suspek sa pagpatay sa race car driver na si Ferdinand “Enzo” Pastor.

Sa desisyon ni Quezon City Judge Juris Callanta ng Regional Trial Court (RTC) Branch 215, ibinasura ang bail petition nina Edgar Angel at Domingo Sandy De Guzman.

Si Angel na isang pulis ang itinuturong pumatay kay Pastor sa Quezon City noong June 12, 2014 samantalang si De Guzman naman ang sinasabing nagbayad sa kaniya para isagawa ang krimen.

Samantala, si Dahlia Pastor ang misis ni Enzo, na may warrant of arrest na para sa kasong murder ay hindi pa kasama sa petisyon dahil patuloy pa ang paghahanap sa kaniya.

May ulat na si Dahlia ay nakapag-asawa ng maimpluwensiyang tao sa Indonesia kaya’t hirap ang mga otoridad na matunton siya.

Sa panayam naman ng Radyo Inquirer kay Boy Evangelista, ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), sinabi nito na ang desisyon ng korte ay patunay lang na matibay ang ebidensiya laban kina Angel at De Guzman.

Samantala, naipaalam na rin aniya sa mga magulang ni Enzo na sina Tom at Remy Pastor ang desisyon ng korte at labis na natuwa ang mag asawa.

 

 

 

 

 

 

Read more...