Catanduanes, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bayan ng Pandan sa lalawigan ng Catanduanes.

Naganap ang lindol alas 11:14 ng umaga ng Martes sa 68 kilometers North ng bayan ng Pandan.

May lalim na 10 kilometers ang pagytanig at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing lindol, naitala ng Phivolcs ang Intensity 3 sa Naga City at Intensity 2 sa Legazpi City.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.

 

 

 

 

 

Read more...