Mga kumpanya ng langis may dagdag sa presyo ng LPG

LPG | Inquirer File Photo

Sasalubungin ng dadag sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang unang araw ng buwan ng Nobyembre.

Sa abiso ng kumpanyang Petron, epektibo alas 12:01 ng madaling araw ng November 1, araw ng Miyerkules ay magpapatupad ito ng dagdag na P0.30 sa kada kilo ng kanilang LPG.

Katumbas ito ng P3.30 na pagtaas sa bawat 11-kilogram cylinder na LPG ng Petron.

Habang may dagdag din na P0.20 bawat litro ang nasabing kumpanya sa kanilang auto-LPG.

Inaasahan namang susunod ding maglalabas ng anunsyo ang iba pang kumpanya ng langis.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...