Operasyon sa Estancia Freeport sa Iloilo, naantala dahil sa bagaheng may banta ng bomba

Photo Credit: CGS Iloilo

Isang bagahe na sinulatan ng mga katagang “MAY BOMBA” ang nagdulot ng pagkaantala ng operasyon sa Estancia Freeport sa Iloilo.

Rumesponde ang pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Estancia, PNP-Explosives Ordinance Detection (EOD) at Philippine Army K-9 team makaraang ireport ng kapitan ng barko na MBCA M-Star II na mayroong kahina-hinalang bagahe na iniwan ng hindi nakilalang pasahero.

Ayon sa imbestiasyon, ang nasabing bagahe ay iniwan ng isang hindi nagpakilalang pasahero sa isa sa mga crew ng barko at sinabing ibigay ito sa boat captain.

Ang bagahe ay isang kulay puti na paper bag at may nakasulat na “DO NOT OPEN PLEASE, MAY BOMBA!!!”.

Nakalagay sa labas ng paper bag na isang “Boboy Nojalda” ang recipient ng bagahe.

Sinuspinde ang operasyon ng terminal para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at saka sinuri ang bahage at nagsagawa rin ng inspeksyon sa barko.

Ayon sa PNP-EOD, natuklasan nila na limang cellphone units ang laman ng paper bag na nakatakdang ipadala sa Masbate City.

Dinala na sa PNP Estancia ang bagahe para sa proper disposition.

 

 

 

 

 

 

Read more...