Sa datos ng US Geological Survey, naitala ang lindol sa 29 kilometers o nasa 253 kilometers ang layo mula sa capital ng bansa na Noumea.
Pinawi naman ng Pacific Tsunami Warning Center ang pangamba na magdudulot ng tsunami ang malakas na lindol.
Sa karagatan din naitala ang epicenter kaya ayon sa Geoscience ng Australia, malayo ang sentro ng lindol sa kalupaan ng Noumea bagaman may mga isla ang nakaramdam ng pagyanig.
Hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.
Ang New Caledonia ay bahagi ng “Ring of Fire,” ay madalas na nakararanas ng tectonic activity.
MOST READ
LATEST STORIES