Magkakapatid na Aquino, nakadalaw na sa puntod ng magulang sa Manila Memorial Park

Kuha ni Ruel Perez

Maagang dumalaw ang magkakapatid na Aquino sa puntod ng kanilang magulang na sina dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon Aquino.

Ayon sa caretaker sa puntod ng mag-asawang Aquino sa Manila Memorial Park, Linggo ng tanghali nang dumalaw ang magkakapatid na sina dating Pangulong Noynoy Aquino, Kris Balsy, Pinky at Viel.

Marahil ito ay upang hindi sumabay sa dagsa ng mga tao ngayong araw at bukas.

Kuha ni Ruel Perez

Samantala, marami ring tagasuporta ng mga Aquino ang dumadalaw sa puntod ng mag-asawa.

Ang iba, nagpapa-picture o nagseselfie pa sa puntod.

Normal naman ang naging sitwasyon at dagsa ng tao sa Manila Memorial Park.

 

Read more...