Sa kanyang sinumpaang salaysay, kinilala ng biktima ang suspek na si Bobby Cabuang.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, napag-alaman na hinila ng suspek ang biktima habang pababa ito sa isang pedicab bandang alas dose ng hatinggabi.
May mga kasama pa aniya ang suspek nang isagawa ang krimen.
Sinabi ng biktima na hinila siya ni Cabuang sa isang madilim na bahagi, at dito na isinagawa ang panggagahasa.
Humingi pa aniya siya ng tulong sa mga kasama ng suspek pero pinanood lamang siya ng mga ito habang ginagahasa.
Matapos nito ay kinuha ni Cabuang sa biktima ang bag nito na may lamang P3,000, cellphone, relo, kwintas at ATM card.
Nahuli naman ng Caloocan police si Cabuang at mga kasama nito sa isang follow-up operation, kung inamin nito ang ginawang pagnanakaw pero itinanggi na ginahasa niya ang biktima.