Christmas weather, mararamdaman na sa bansa kasabay ng pagsisimula ng amihan season

PDI-NL FILE PHOTO | Richard Balonglong

Mararamdaman na ang malamig na simoy ng hangin na kadalasan umiiral kasabay ng pagpasok ng Christmas season.

Ito’y dahil sa pagsisimula ng pag-iral ng northeast monsoon o hanging amihan.

Ayon sa PAGASA, lumipat na sa hilagang-silangan na bahagi ng Luzon ang malamig na hangin mula sa China, na senyales ng pagsisimula ng amihan.

Mas mararamdaman aniya ang amihan season sa Metro Manila sa darating na buwan ng Enero ng susunod na taon.

Matatandaang noong nakaraang October 12, idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng southwest monsoon o “Hanging Habagat” na umiiral kasabay ng tag-ulan.

 

 

 

 

 

 

Read more...