Biyahe ng MRT nagka-aberya

Nagka-aberya na naman ang biyahe ng Metro Rail Transit.

Sa abiso ng MRT, alas 8:28 ng umaga nang pababain ang mga pasahero sa Ayala Avenue station northbound.

Ito ay dahil sa isang tren na nagkaroon ng technical problem.

Pinasakay na lang sa kasunod na tren ang mga naapektuhang pasahero.

Dalawang araw ding nakapagpahinga sa aberya ang mga pasahero ng MRT.

Noon kasing October 29 at 30, walang naitalang aberya sa biyahe ng tren.

Para sa 31 araw sa buong buwan ng Oktubre, 7 araw lamang na hindi nakapagtala ng aberya sa biyahe ng MRT.

Ito ay noong October 1, 3, 15, 16, 22, 29 at 30.

Noong October 7 at 26 nakapagtala ng pinakamaraming aberya, o tig-limang beses na aberya ang naitala sa maghapon.

 

 

 

 

Read more...