Sa abiso ng PAGASA, itinaas ang yellow rainfall warning sa Albay, Sorsogon, Camarines Norte, Northern Samar at Catanduanes dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng Low Pressure Area (LPA).
Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng flashfloods sa mga mabababang lugar at landslides sa mga bulubunduking lugar.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Camarines Sur, Romblon, Masbate at sa mga isla ng Ticao at Burias.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga lugar na apektado ng pag-ulan na magmonitor sa ipalalabas nilang mga abiso.
Una nang sinabi ng PAGASA na ang maghapon ay magiging maulan dahil sa LPA, Amihan at tail-end ng cold front.