Ayon kay Pangulong Duterte, kung mayroon mang dapat makasuhan dahil sa bakbakan ng mga pwersa ng gobyerno at mga terorista, ito ay wala nang iba kundi siya lang.
“I hold myself solely responsible for what happened, including the incidents there, the events that transpired. I take full responsibility for all,” ani Duterte.
Dagdag pa ng presidente, inaako niya ang buong “legal, criminal and civil liability” ng pagdedeklara niya ng martial law bunsod ng mga nangyari sa Marawi City.
Mayroon kasing grupo ng mga residente at iba pang indibidwal na nais magpasampa ng kaso laban sa gobyerno dahil sa naging epekto ng kaguluhan sa Marawi City.
Kabilang na dito ang kawalan ng pangangailangang mailikas ang mahigit 200,000 katao at pagkasawi ng mahigit 1,000 sa panig ng mga terorista, militar, pulis at ilang sibilyan.
Sa kabila nito, naniniwala ang pangulo na may karapatan ang mga tao o anumang grupo na magsampa ng kaso.
Sakali aniyang pakiramdam ng mga ito na biased ang mga korte dito sa Pilipinas, maari pa aniyang dumulog ang mga ito sa International Criminal Court.