Trailer truck, rumampa sa center island sa EDSA, Caloocan

 

Kuha ni Justinne Punsalang

Bumalagbag at sumampa sa center island sa kahabaan ng EDSA sa Caloocan City ang isang trailer truck na may kargang container van.

Kwento ng pahinante ng truck na si Enrique Rosales, nanggaling sila ng Caloocan at nagdeliver ng mga gulong.

Pabalik na sana sila sa Maynila nang dahil sa madulas na kalsada dulot ng pag-uulan ay nawalan ng kontrol ang driver sa manibela.

Kaysa pa umano makabangga ng ibang motorista ay pinili na lamang ng driver na sadyang ibangga ang truck sa center island.

Giit ng pahinante, mabagal lamang ang kanilang takbo.

Sa lakas ng impact ng pagkakabangga ay nagawang umiskwala ang ulo ng naturang truck at ang container nitong karga.

Nayupi rin ang u-turn slot signage sa lugar na nabangga ng truck at nawasak rin ang center island na ginagawa ring plant box.

Maswerte namang minor injuries lamang ang tinamo ng driver at pahinante ng truck.

Gayunpaman, mahaharap naman ang driver sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Damage to Properties.

Read more...