Naglabas na ng preliminary injunction ang US Court for the District of Columbia na pumipigil sa pagpapatupad ng inilabas na memo ni Trump noong Agosto.
Sa August memo, binabawi ni Trump ang isang 2016 policy na nagbibigay-pahintulot sa mga transgender na malayang magsilbi sa US military.
Bago pa man ang 2016 policy, maaaring patawan ng parusa at ma-discharge sa serbisyo ang isang sundalo kung mapapatunayan na ito ay isang transgender.
Gayunman, sa desisyon ng korte, iginiit nitong hindi maaring pigilan ng memo ni Trump ang mga transgender na patuloy na manilbihan sa military service.
Dapat din aniyang manatili ang pagbibigay ng kaukulang tulong-medikal para sa mga transgender na nasa serbisyo.