Concentration ng carbon dioxide sa atmosphere, tumaas na naman – UN

 

Pumalo na naman sa record-breaking na antas ang concentration ng carbon dioxide (CO2) sa atmosphere, ayon sa United Nations.

Ayon sa World Meteorogical Organization, umarangkada ang pagtaas ng concentration ng carbon dioxide sa atmosphere noong taong 2016.

Dahil dito, iginiit ng UN na kailangan na ng agaran at mabilisang aksyon para makamit ang mga targets na itinakda sa Paris climate agreement.

Umabot na kasi sa 403.3 parts per million ang global averaged concentrations nitong 2016, na tumaas mula sa dating 400.00 ppm noong 2015 dahil sa kombinasyon ng mga aktibidad ng mga tao, at matinding paglaganap ng El Niño.

Bilang annual flagship report ng UN weather agency, minamatyagan sa Greenhouse Gas Bulletin ang continent of dangerous gasses sa atmosphere mula pa sa post-industrial era o mula 1750.

Nakasaad pa sa nasabing report na huling nakaranas ang Earth ng ganitong carbon dioxide concentration ay tatlo hanggang limang milyong taon na ang nakalilipas, noong mas mataas pa ng 20 meters ang sea level kumpara sa ngayon.

Ayon kay WMO chief Petteri Taalas, kung hindi agad magbabawas ng emmission ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gas, makararanas ng mapanganib na temperatura ang mundo sa pagtatapos ng siglong ito, na mas mataas pa sa target ng Paris climate change agreement.

Giit naman ni UN Environment head Erik Solheim, hindi nagsisinungaling ang mga numero, dahil totoong masyado pa ring inilalabas na carbon dioxide sa atmosphere ngayon, at kailangan na itong baguhin.

Read more...