Japan nangako ng suporta sa Pilipinas upang labanan ang terorismo

 

AP Photo

Nangako ang Japan na magbibigay ng ayuda sa Pilipinas upang labanan ang terorismo at muling pag-angat ng Marawi sa mistulang dilubyong pinagdaanan nito.

Kahapon, personal na nagkaharap muli sina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa isang pagpupulong sa Tokyo, Japan bilang bahagi ng dalawang araw na pagbibista sa naturang bansa ng pangulo.

Sa naturang okasyon, tiniyak ng Japanese leader ang kanilang buong suporta sa counterterrorism effort at ang pagtiyak ng kaayusan at kapayapaan sa rehiyon.

Kabilang sa mga ipinangakong tulong ng Japan ay ang pagbibigay ng mga patrol at mga speed boats para sa Philippine Coast Guard at training programs para sa mga ito.

Bukod sa rehabilitasyon ng Marawi, magbibigay rin ng tulong ang Japan para sa mga karagdagang infrastructure projects sa ibang panig ng bansa.

Read more...