2 domestic flights ng Cebu Pacific, kanselado na dahil sa sama ng panahon

INQUIRER FILE PHOTO

Dahil sa sama ng panahon, dalawang domestic flights ng Cebu Pacific ang kanselado na ngayong araw.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado na ang Cebu Pacific 5J 506 Manila-Tuguegarao at 5J 507 Tuguegarao- Manila.

Ayon sa PAGASA, isang low pressure area (LPA) ang namataan sa bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Makararanas naman ng mga pag-ulan ang ilang lugar sa Palawan at Mindanao partikular na ang mga rehiyon ng CARAGA, Davao at SOCCSKSARGEN dahil naman sa intertropical convergence zone (ITCZ).

Read more...