Idineklara na ng PAGASA ang pagsisimula ng pag-iral ng northeast monsoon o “Hanging Amihan” ngayong taon.
Ito’y kasunod ng nagtutuluy-tuloy na paglamig ng hangin sa Northeastern part ng Luzon.
Ang northeast monsoon ay kadalasan umiiral kasabay ng pagsisimula ng Christmas season.
Noong nakaraang October 12, idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng southwest monsoon o “Hanging Habagat” na umiiral kasabay ng tag-ulan.
Dahil dito, sinabi ng weather bureau na magsisimula nang makaramdam ng malamig na simoy ng hangin ang publiko sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, apektado ng northeast monsoon ng Northern Luzon, partikula na samga rehiyon ng Cagayan Valley, Ilocos at Cordillera.
MOST READ
LATEST STORIES