Mga korte sa Maynila, hindi kasama sa inanunsiyong work suspension ni Estrada

PHOTO: Supreme Court’s Twitter page

Hindi kasama sa suspensyon ng trabaho ang lahat ng korte sa Maynila.

Ito ang paglilinaw ang Supreme Court sa kabila ng anunsiyo na work suspension ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa tweet ng Supreme Court PIO, hindi suspendido ang trabaho sa lahat ng korte sa lungsod kabilang na ang SC at Court of Appeals.

Una nang inanunsiyo ni Estrada na suspendido ngayong araw ang lahat ng pasok sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa pamupubliko at pribadong paaralan sa Maynila para bigyang-daan ang paggunita sa All Saints’ Day sa November 1.

Exempted naman sa suspensyon ang trabaho sa public health services gaya ng disaster, engineering at health department.

Read more...