Nakahanda na ang Department of Energy na pangunahan ang 12th Energy ministers meeting sa lalawigan ng Cebu sa susunod na buwan.
Ang DOE ang magiging punong abala sa naturang aktibidad bilang host agency.
Kanina, ipinrisinta ni Energy Undersecretary Loreta Ayson ang programang nakahanay mula October 12 hanggang October 14.
Kabilang diyan ang ilang inisyatiba para sa low carbon technologies upang maging sapat ang pangangailangan ng enerhiya nang hindi nasasalaula ang likas na yaman ng bawat bansa.
Inamin naman niyang wala sa programa ang usapin ng agawan sa West Philippines Sea na hitik na hitik sa energy reserves tulad ng langis.
Ang Department of Foreign Affairs aniya ang humahawak sa maselang usaping ito.
Layon ng pagpupulong ng 21 APECc countries ang makabuo ng mga pamamaraan para makapagtayo ng energy-resilient economies sa mga bansang miyembro Asia Pacific Economic Cooperation o APEC.
Yan ay sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga istruktura at sistema sa enerhiyang hindi madaling sirain ng bagyo, lindol at iba pang kalamidad.