6 na preso sa Laguna Provincial Jail, nakatakas

FILE PHOTO | Laguna Jail

Nakatakas ang anim na preso sa Laguna Provincial Jail umaga ng Linggo.

Ayon kay Rommel Palacol, head ng Laguna Action Center, kasalukuyang nasa malubhang kalagayan ang jailguard na si Norberto Malabanan sa Laguna Medical Center.

Kinilala ang mga tumakas na preso na sina Rhandel Vale Bucal, may kasong murder; Rio Mahilom Amiham, may kasong illegal possesion of firearms; Rayman Raymundo Caparas, may kasong murder; Romel Macaraig Esmer, may kasong carnapping; Verjust Dizon Daldi, may kasong may kaugnayan sa iligal na droga at Teddy Bucal Sarte.

Bago nakatakas, nagawa pang paputukan ng mga preso ang duty guard gamit ang isang caliber 38 revolver.

Tinamaan sa mukha si Malabanan at naagaw sa kanya ang M-16 rifle ng mga pumugang preso.

Bukod dito, tatlo sa anim na preso ang nang-agaw at sapilitan na tinangay ang isang Revo na may plakang WGM 193 sa labas ng piitan.

Natagpuan naman ang tinangay na Revo sa Los Baños matapos makabangga ng ibang sasakyan.

Read more...