Residential area sa Paco, Maynila nasunog

Photo courtesy: Fire Alert Metro Manila

Idineklarang fire under control na ang sumiklab na sunog sa isang residential area sa Paco, Lungsod ng Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire and Protection, ganap na 10:19 ng umaga nang ma-kontrol ang sunog sa bahagi ng Barangay 684 Santiago Corner Pedro Gil Street.

Umabot sa ikaapat na alarma ang naturang sunog.

Hindi bababa sa dalawampung bahay ang apektado ng sunog nang mabilis itong kumalat dahil gawa ang mga bahay sa light materials.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naturang insidente.

Read more...