“HARRY” ROQUE, JR: DUTERTE SPOKESMAN sa “WAG KANG PIKON” ni Jake Maderazo

FILE PHOTO

Simula Nov. 6, si dating Kabayan party list Rep. Harry Roque ang papalit kay Ernesto Abella bilang Presidential Spokesperson. At hanggang ngayon, wala pang balita kung bakit pinalitan si Abella maliban sa ugong na ililipat ito ng  pwesto.Simula Nov. 6, si dating Kabayan party list Rep. Harry Roque ang papalit kay Ernesto Abella bilang Presidential Spokesperson. At hanggang ngayon, wala pang balita kung bakit pinalitan si Abella maliban sa ugong na ililipat ito ng  pwesto.

Pero, angkop, bagay o tama ba ang desisyon ni Presidente na kunin si Harry? Sa social media, sinabi ni Harry na ang mga nalathalang pahayag ng Pangulo sa isyu ng human rights ang nagtulak sa kanyang tanggapin ang posisyon. Kailangang ituon sa mamamayan ang totoong posisyon ng gobyerno sa isyu ng ng human rights. At ang “spokesperson” ang araw-araw na hinihintay ng taong magpaliwanag ng “intensyon” ng Pangulo sa mga isyu. Ayon pa kay Harry, sisikapin niyang  bawasan o mabura ang  mga pahayag ng Malakanyang na  parang sumusuporta pa sa “genocide” o mga paglabag sa “fundamental human rights”.

Isang kapansin-pansin na kakulangan, tingin ko, ay  hindi abugado si Abella kundi “pre-med”, Divinity at “Social Development” ang kanyang “strong points. Kayat ang kanyang paliwanag sa isyung legalidad lalo sa EJK at human rights ay medyo kulang.

Ayon pa kay Roque, tinawagan niya si Secretary Abella at naiintindihan daw siya nito lalo’t hindi niya hiningi ang pwesto at nagulat din siya nang i-announce ito ni Presidente sa kanyang birthday party.

Sa mga reporters at opinion makers, ang “playful language” ni  Roque ay bagay daw sa pala-kwentong si Duterte. Sa totoo, TV soundbite favorite din si Harry dahil sa kanyang “telegraphic punches” kay Sen. Leila de Lima noong  Bilibid drugs hearing. Nakita rin ito sa Jennifer Laude case na umakyat pa siya ng bakod na alambre sa kulungan  ng Amerikanong si Pemberton sa Camp Aguinaldo. Nilabanan din ang mga Ampatuan na pumatay ng  57 journalists bukod pa  sa pagpapakulong sa magkapatid na Palawan Gov at mayor na pumatay kay Environmentalist broadcaster na si Jerry Ortega. Mga high profile na kasong nagpasikat sa kanyang matabil pero mala-punyal na opinion.

Sa bago niyang posisyon at umiinit na debate sa “extra-judicial killings”, angkop na angkop si Roque, dahil siya ay isang abugado rin na kayang ipaliwanag ang ibig sabihin ni Duterte. At sa isyu ng  EJK na binabato ng mga kritiko at EU parliamentarians at activists, si Roque ang “alas” na binunot ni Duterte na kahit sa umpisa ay kay Binay sumuporta. Si Roque ay  bihasa sa International human rights law  at  unang-unang Asian na pinayagang humarap sa International  Criminal court at nakipagtagisan mismo sa United National War Crimes Tribunal for Rwanda. Nahalal din sa Governing council ng Asian Society of International Law at International Criminal Bar. Bukod dito, siya’y “founding Editor in Chief ” ng Asia Pacific Yearbook of International Law.

Kung nitong higit isang taon ay “lost in translation” si dating Spokesperson Ernesto Abella sa EJKs at human rights violations, ang pagpasok ni Roque ay maglalagay sa tamang perspective sa maraming isyu. Nariyan ang alegasyon na “state-sponsored” o tila-“genocide” ang mga pagpatay sa “war on drugs” kaya naman “war criminal” daw  itong si Duterte at sasampahan ng kaso sa International Criminal Court.

Abangan!

Read more...