Mga pasahero sa Manila North Harbor, dagsa na

FILE PHOTO

Ilang araw bago ang Undas ay dagsa na ang mga pasahero sa mga barko sa Manila North Harbor sa Maynila.

Sanib-puwersa ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Philippine Maritime Authority, PNP-Maritime Unit, Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Jail Management and Penology para tiyakin ang ligtas na paglalakbay ng mga kababayan na pauwi sa mga lalawigan.

Ang mga naturang puwersa ay bahagi ng “Oplan Ligtas Biyahe Undas 2017” na ang layunin ay maiwasan ang anumang aberya o gulo sa mga pantalan habang dagsa ang mga magbabakasyon.

Sila rin ay magbabantay ng mga dala-dalang gamit ng mga pasahero ng barko, lalo na ang pagsiguro na walang mga ipinagbabawal na kargamento ang maipupuslit sa barko.

Karamihan sa mga pasahero na nakaantabay ngayon sa Manila North Harbor ay mga pauwi ng Cebu, Dumaguete, Iloilo at Zamboanga City.

Nasa mahigit limang libo na ang naitatalang pasahero ngayong araw na ito sa Manila North Harbor.

Read more...