Umabot na sa mahigit apat na libo ang mga pasaherong bibiyahe sa iba’t ibang pantalan sa bansa para sa paggunita ng Undas.
Batay sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Gaurd, sa kabuuan, bandang alas sais ng umaga, umakyat na sa 35,785 ang mga dumagsang pasahero para umuwi sa kani-kanilang probinsiya ngayong araw ng Linggo.
Narito ang bilang ng mga pasahero bawat lalawigan:
1. Central Visayas – 5,984
2. Palawan – 258
3. Southern Tagalog – 7,587
4. Western Visayas – 11,350
5. South Eastern Mindanao – 4,453
6. Bicol – 685
7. Northern Mindanao – 1,880
8. Eastern Visayas – 3,558
Ayon sa PCG, magiging mahigpit ang pag-inspeksyon sa mga kargamento para sa kaligtasan ng publiko.
Inaasahan naman ang pagdami pa ng mga pasahero sa mga pantalan hanggang bukas, October 30.