Pinoy na humiling ng video greetings kay Pangulong Duterte, nagpasalamat

Nagpaabot ng pasasalamat ang Pinoy na si Andre Esteban kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos pagbigyan ang kanyang handwritten letter request na batiin siya sa pamamagitan ng video message.

Bukod sa kanya, ay hiniling din ni Esteban na batiin ng pangulo ang kanyang mga classmate at teacher sa Fresno Adventist Academy sa California.

Ayon kay Esteban, hindi niya inaasahan na ibibigay ng pangulo ang kanyang “special favor” para sa kanyang “nationality report” tungkol sa Pilipinas.

Iniidolo niya aniya si Pangulong Duterte at hanga siya sa kampanya nito kontra iligal na droga dahil gusto niyang maging drug-free ang kanyang bansa.

Nais din ang 11-year-old na Pinoy na makita niya sa personal si Duterte kapag bumisita siya sa Pilipinas.

Sinabi din ni Esteban na ipapakita niya sa kanyang nationality report ang nasabing video message ni Duterte.

Ayon naman sa ina ni Esteban na si Almyra Grace Custodio, mahal na mahal ng kanyang anak si Pangulong Duterte at sa katunayan ay updated ito sa mga nangyayari sa Pilipinas.

Sa 48 video clip na pinost ni Special Assistant to the President Secretary Christopher “Bong” Go, binati ni Duterte si Esteban at sinabing natanggap nito ang kanyang letter request.

Read more...