Nayupi ang tinatawag na ilong na bahagi ng eroplanong sinakyang ng mga players ng Oklahoma City Thunder patungong Chicago.
Sa social media ibinahagi ng ilang manlalaro mula sa nasabing koponon ang tila ay misteryosong pinsala na natamo ng eroplano na naghatid sa kanila sa Chicago mula sa Minnesota.
Sa kanyang tweet, ibinahagi ni New Zealand star Steven Adams ang larawan ng naturang eroplano kung saan makikita ang nayuping harap na bahagi nito.
Nakasaad sa caption ang mga salitang, “30,000 feet in the air. Flying to Chicago. What caused this?”.
Parehong larawan din ang pinost ni Carmelo Anthony kung saan kinuwestyon niya kung ano ang posibleng nabangga nila sa himpapawid.
Kasabay nito, tiniyak naman ni Anthony na ligtas ang lahat ng pasahero ng naturang eroplano.
Lumipad patungong Chicago ang OKC para sa laban kontra Bulls kasunod ng pagkatalo sa Minnesota sa iskor na 119-116.