Babae, nabangga ng isang motorsiklo sa Caloocan

Sinalpok ng isang motorsiklo na may lulang tatlong mga babae ang isa pang babae sa Mabini Street, Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Mary Joy Tinampay, labing siyam na taong gulang at residente rin ng Caloocan na nagtamo ng minor injuries.

Sugatan rin ang driver ng motorsiklo na si Joy Ahesta na kaagad namang dinala sa Caloocan Medical Center.

Ayon sa paunang impormasyon ng mga otoridad, naghihintay lamang ng masasakyang jeep ang biktima nang bigla na lamang siyang salpukin ng motor, dahilan upang tumilapon ito sa bangketa.

Napag-alaman na nakainom pala ang driver ng motorsiklo na wala palang driver’s license.

Sasampahan naman ng kasong driving without license at physical injuries si Ahesta.

Read more...