“The Final Four dream is alive!”
Ito ang masayang caption ng University of the Philippines’ Men’s Basketball Team sa kanilang Facebook post matapos ang makapigil- hiningang panalo laban sa FEU sa UAAP Season 80.
Matapos ang limang pagkatalo sa huling anim na laro, may tyansa nang muli ang UP na mapabilang sa Final 4 ng torneo.
Tie na ang Maroons at Tamaraw sa 5-6 win-loss record at mag-aagawan sa final spot.
Isang 3-pointer shot ang pinakawalan ni Paul Desiderio sa ilang huling segundo ng laban na nagpanalo sa koponan sa iskor na 59-56.
Proud si UP head coach Bo Perasol sa kumpiyansang ipinakita ni Desiderio.
Samantala, aminado naman ang team captain na kabado siya bago itira ang huling shot dahil tsansa ito upang itabla ang record ng koponan sa FEU.
Nanguna si Desiderio sa laban na may 15 points samantalang pinangunahan naman ni Jasper Parker ang FEU sa kanyang 13 points.
Sa kasalukuyan, nangunguna ang ADMU, DLSU, ADU sa standing habang sumusunod naman sa UP at FEU ang NU.