Inilabas ni Dominguez ang naturang direktiba matapos iprisenta ni BOC Commissioner Isidro Lapeña ang kanyang plano na bumuo ng joint task force kasama ang BIR para muling buhayin ang anti-smuggling campaign ng Customs.
Ani Dominguez, simula nang mapasara ang Mighty Corporation ay nakakatanggap siya ng mga ulat tungkol sa pagpupuslit ng sigarilyo sa bansa na pumupunan sa pagbebenta ng murang tobacco products.
Malugod namang tinanggap ng BIR ang plano ni Lapeña.
Ani BIR Commissioner Caesar Dulay, ang naturang planong pagtutulungan ng Customs at BIR ay makakatulong sa epektibong pagpapatupad ng mga tax laws.
Para naman bigyan ng ngipin ang anti-smuggling campaign ng Customs, ay ipinagutos ni Lapeña ang pagsasampa ng kaso laban sa mga lalabag na importer at customs broker, bukod pa sa maiging pagsisiyasat sa mga isinumiteng dokumento ng mga ito.