Maynilad magtataas ng singil sa susunod na buwan

 

Magpapatupad ng dagdag singil sa susunod na buwan ang Maynilad Water Services Inc., dahil sa tumaas na foreign currency differential adjustment (FCDA).

Sa pahayag ng Maynilad ang monthly water bill ng kanilang mga customers ay magkakaroon ng P0.36 na pagtaas para sa mga kumokonsumo ng aabot sa 10 cubic meter (cu.m.) kada buwan.

Para sa mga kumokonsumo naman ng 20 cubic meter kada buwan nasa P1.37 ang pagtaas sa bill, at P2.80 naman sa mga kumokonsumo ng 30 cubic meter kada buwan.“The increase in water tariff for Maynilad customers is due to an upward adjustment in the FCDA for the fourth quarter of 2015, following the depreciation of the Philippine peso,” ayon sa Maynilad.

Ang dagdag sa singil ng Maynilad ay epektibo mula October 1, 2015 hanggang sa December 1, 2015 o sa loob ng dalawang buwan.

Read more...