Nagpaalala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bawal ang paggamit ng Drones at Unmanned Aircraft Vehicle (UAV) sa gaganaping 31st ASEAN Summit.
Sa advisory na nilabas ng CAAP, sinabi nito sa mga operator at hobbyist na magiging mahigpit sila sa pagpapatupad ng no fly zone mula November 9 hanggang 17 sa Maynila at Clark sa lalawigan ng Pampanga.
Kauganay nito nag isyu na ang CAAP ng notice to airmen (NOTAM) na bawal ang drone operations mula 09 November 2017, sa sakop na 40 nautical miles radius centered sa Luneta Park at NOTAM (B4593/17), 40 nautical miles radius centered sa Clark DVOR.
Sa ilalim ng provisions ng Philippine Civil Aviation Regulations (PCAR), ang mga operators na lumalabag sa rules of memorandum ay papatawan ng multang mula 300,000 hanggang P500,000 Pesos na multa depende sa paglabag sa naturang kautusan. /