SWS: Hindi lahat ng isinailalim sa Oplan Tokhang ay adik o tulak

Radyo Inquirer

Maraming Pilipino ang naniniwala na hindi lahat ng nakakatok at pinapatawag sa ilalim ng “Oplan Tokhang” ng pamahalaan ay mga adik at tulak ng droga.

Ito’y ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations na ginawa sa pagitan ng September 23 hanggang 27.

Tinananong sa survey ang mga respondents kung ang mga taong may alam, o may kakilalang natokhang at 49 percent ang nagsabi na “none or not all” ng mga personalidad na isinailalim sa Oplan Tokhang ay drug addict o pusher.

Nasa 36 percent naman ang nagsabi na “all of them” o lahat ng mga natokhang ay adik at tulak habang 14 percent ang nasabi na wala silang alam.

Sa bilang ng mga taong naniniwala na hindi lahat ng sumailalim sa “Tokhang” ay tulak o adik, pinakamalaki sa Metro Manila na aabot ng 50 percent at pinaka-mababa sa Mindanao na nasa 41 percent.

Sa may mga personal na alam sa “Oplan Tokhang” mataas din ang bilang sa Metro Manila na nasa 31 percent kasunod ng Balance of Luzon at Mindanao sa 25 percent at Visayas na mayroong 22 percent.

Ang survey ay ginawa sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,500 respondents sa buong bansa.

Read more...