Catalonia, nagdeklara ng kalayaan sa ilalim ng Spain

Inaprubahan ng Catalan Regional Parliament ang isang mosyon na nagdedeklara ng kalayaan ng Catalonia sa ilalim ng Spain.

Pitumpu ang bumoto para maaprubahan ang panukala, 10 naman ang hindi sumang-ayon habang dalawa ang nag-abstain.

Dahil dito, naaprubahan ang mosyon na layong bumuo sa “Catalan Republic”.

Nais ng mayorya ng mga mambabatas na gawing isang “independent at sovereign state” ang Catalonia.

Gayunpaman, nakatakdang ideklara ng Spanish Constitutional Court na iligal ang naging hakbang.

Agad na ipinag-utos ni Spanish Prime Minister Mariano Rajoy sa mga senador na pagtibayin ang batas, demokrasya at kapayapaan sa buong rehiyon.

Ayon kay Rajoy, hindi niya papayagan ang sinuman na lumabag sa konstitusyon ng Spain na isang seryoso at maayos na bansa.

Hinikayat naman ng opisyal ang mga mamamayan na manatiling kalmado at iginiit na reresponde ang pamahalaan sa maayos na paraan.

Ayon naman sa General Prosecutor ng Spain, maghahain sila ng kasong rebelyon laban kay Catalan President Carles Puigdemont at sa mga miyembro ng parliament board na bumoto pabor sa independence.

Read more...