Power outage na nagaganap sa Puerto Rico, pinakamalaki sa kasaysayan

Limang linggo matapos manalasa ang Hurricane Maria sa Puerto Rico, nasa 75 porsyento pa rin ng mga mamamayan ang walang kuryente.

Ayon sa isang research company na “Rhodium Group”, ito na ang pinakamalaking “power outage” sa kasaysayan.

Aabot na sa 1.25 billion hours ng suplay ng kuryente para sa mga Amerikano ang nawala at inaasahang lolobo pa sa mga susunod na linggo.

Sa pag-aanalisa ng Rhodium Group mula sa mga datos ng electricity loss mula sa Department of Energy, nalampasan na ng power outage sa Puerto Rico ang pagkawala ng kuryente na naranasan sa pananalasa ng Hurricane Georges noong 1998 at Superstorm Sandy noong 2012.

Samantala, nagpahayag naman ng pagkabahala ang White House sa naging deal sa pagitan ng Whitefish Energy at Puerto Rico Electric Power Authority o PREPA.

Ayon sa PREPA, alam ng mga awtoridad ang pagbibigay ng kontrata sa firm ngunit itinatanggi ito ng mga opisyal.

Aabot sa 300 milyong dolyar ang halaga ng kontratang ibinigay sa Whitefish Energy para maisaayos ang power grid ng Puerto Rico.

Inaasahan namang tatagal pa sa loob ng ilang buwan ang pagpapanumbalik sa kuryente sa rehiyon.

Read more...